시편 2편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 12절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay? | Why do the heathen rage, and the people imagine a vain thing? |
| 2 | Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: | The kings of the earth set themselves, and the rulers take counsel together, against the Lord, and against his anointed, saying, |
| 3 | Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin. | Let us break their bands asunder, and cast away their cords from us. |
| 4 | Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan. | He that sitteth in the heavens shall laugh: the Lord shall have them in derision. |
| 5 | Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob: | Then shall he speak unto them in his wrath, and vex them in his sore displeasure. |
| 6 | Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. | Yet have I set my king upon my holy hill of Zion. |
| 7 | Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. | I will declare the decree: the Lord hath said unto me, Thou art my Son; this day have I begotten thee. |
| 8 | Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. | Ask of me, and I shall give thee the heathen for thine inheritance, and the uttermost parts of the earth for thy possession. |
| 9 | Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. | Thou shalt break them with a rod of iron; thou shalt dash them in pieces like a potter’s vessel. |
| 10 | Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. | Be wise now therefore, O ye kings: be instructed, ye judges of the earth. |
| 11 | Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. | Serve the Lord with fear, and rejoice with trembling. |
| 12 | Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya. | Kiss the Son, lest he be angry, and ye perish from the way, when his wrath is kindled but a little. Blessed are all they that put their trust in him. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL