시편 26편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 12절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay. | Judge me, O Lord; for I have walked in mine integrity: I have trusted also in the Lord; therefore I shall not slide. |
| 2 | Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip. | Examine me, O Lord, and prove me; try my reins and my heart. |
| 3 | Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata: at ako'y lumakad sa iyong katotohanan. | For thy lovingkindness is before mine eyes: and I have walked in thy truth. |
| 4 | Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari. | I have not sat with vain persons, neither will I go in with dissemblers. |
| 5 | Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan, at hindi ako uupo na kaumpok ng masama. | I have hated the congregation of evil doers; and will not sit with the wicked. |
| 6 | Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala; sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon: | I will wash mine hands in innocency: so will I compass thine altar, O Lord: |
| 7 | Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat, at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa. | That I may publish with the voice of thanksgiving, and tell of all thy wondrous works. |
| 8 | Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian. | Lord, I have loved the habitation of thy house, and the place where thine honour dwelleth. |
| 9 | Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan, ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao: | Gather not my soul with sinners, nor my life with bloody men: |
| 10 | Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan, at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol. | In whose hands is mischief, and their right hand is full of bribes. |
| 11 | Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat: iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin. | But as for me, I will walk in mine integrity: redeem me, and be merciful unto me. |
| 12 | Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako: sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon. | My foot standeth in an even place: in the congregations will I bless the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL