시편 25편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. | Unto thee, O Lord, do I lift up my soul. |
| 2 | Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. | O my God, I trust in thee: let me not be ashamed, let not mine enemies triumph over me. |
| 3 | Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, | Yea, let none that wait on thee be ashamed: let them be ashamed which transgress without cause. |
| 4 | Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. | Shew me thy ways, O Lord; teach me thy paths. |
| 5 | Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. | Lead me in thy truth, and teach me: for thou art the God of my salvation; on thee do I wait all the day. |
| 6 | Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. | Remember, O Lord, thy tender mercies and thy lovingkindnesses; for they have been ever of old. |
| 7 | Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. | Remember not the sins of my youth, nor my transgressions: according to thy mercy remember thou me for thy goodness’ sake, O Lord. |
| 8 | Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. | Good and upright is the Lord: therefore will he teach sinners in the way. |
| 9 | Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya. | The meek will he guide in judgment: and the meek will he teach his way. |
| 10 | Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. | All the paths of the Lord are mercy and truth unto such as keep his covenant and his testimonies. |
| 11 | Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. | For thy name’s sake, O Lord, pardon mine iniquity; for it is great. |
| 12 | Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. | What man is he that feareth the Lord? him shall he teach in the way that he shall choose. |
| 13 | Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. | His soul shall dwell at ease; and his seed shall inherit the earth. |
| 14 | Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. | The secret of the Lord is with them that fear him; and he will shew them his covenant. |
| 15 | Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo. | Mine eyes are ever toward the Lord; for he shall pluck my feet out of the net. |
| 16 | Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati. | Turn thee unto me, and have mercy upon me; for I am desolate and afflicted. |
| 17 | Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan. | The troubles of my heart are enlarged: O bring thou me out of my distresses. |
| 18 | Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan. | Look upon mine affliction and my pain; and forgive all my sins. |
| 19 | Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit. | Consider mine enemies; for they are many; and they hate me with cruel hatred. |
| 20 | Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako: huwag nawa akong mapahiya, sapagka't nanganganlong ako sa iyo. | O keep my soul, and deliver me: let me not be ashamed; for I put my trust in thee. |
| 21 | Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, sapagka't hinihintay kita. | Let integrity and uprightness preserve me; for I wait on thee. |
| 22 | Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan. | Redeem Israel, O God, out of all his troubles. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL