로그인

시편 20편 Ang Dating Biblia (1905)

Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 9절

  1. 1 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
  2. 2 Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;
  3. 3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
  4. 4 Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo.
  5. 5 Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
  6. 6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
  7. 7 Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
  8. 8 Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
  9. 9 Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗