시편 124편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 8절
- 1 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
- 2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
- 3 Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
- 4 Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
- 5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
- 6 Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
- 7 Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
- 8 Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- KJV 와 나란히
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗