로그인

시편 124편 Ang Dating Biblia (1905)

Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 8절 · 대역: King James Version

절Ang Dating Biblia (1905)King James Version
1 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon, If it had not been the Lord who was on our side, now may Israel say;
2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin: If it had not been the Lord who was on our side, when men rose up against us:
3 Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin: Then they had swallowed us up quick, when their wrath was kindled against us:
4 Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos: Then the waters had overwhelmed us, the stream had gone over our soul:
5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig. Then the proud waters had gone over our soul.
6 Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin. Blessed be the Lord, who hath not given us as a prey to their teeth.
7 Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan. Our soul is escaped as a bird out of the snare of the fowlers: the snare is broken, and we are escaped.
8 Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa. Our help is in the name of the Lord, who made heaven and earth.

Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL