시편 121편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 8절
- 1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
- 2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
- 3 Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
- 4 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
- 5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
- 6 Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
- 7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
- 8 Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- KJV 와 나란히
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗