시편 119편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 176절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. | Blessed are the undefiled in the way, who walk in the law of the Lord. |
| 2 | Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. | Blessed are they that keep his testimonies, and that seek him with the whole heart. |
| 3 | Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. | They also do no iniquity: they walk in his ways. |
| 4 | Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. | Thou hast commanded us to keep thy precepts diligently. |
| 5 | Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo! | O that my ways were directed to keep thy statutes! |
| 6 | Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. | Then shall I not be ashamed, when I have respect unto all thy commandments. |
| 7 | Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. | I will praise thee with uprightness of heart, when I shall have learned thy righteous judgments. |
| 8 | Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. | I will keep thy statutes: O forsake me not utterly. |
| 9 | Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. | Wherewithal shall a young man cleanse his way? by taking heed thereto according to thy word. |
| 10 | Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. | With my whole heart have I sought thee: O let me not wander from thy commandments. |
| 11 | Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. | Thy word have I hid in mine heart, that I might not sin against thee. |
| 12 | Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. | Blessed art thou, O Lord: teach me thy statutes. |
| 13 | Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. | With my lips have I declared all the judgments of thy mouth. |
| 14 | Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan. | I have rejoiced in the way of thy testimonies, as much as in all riches. |
| 15 | Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan. | I will meditate in thy precepts, and have respect unto thy ways. |
| 16 | Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita. | I will delight myself in thy statutes: I will not forget thy word. |
| 17 | Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. | Deal bountifully with thy servant, that I may live, and keep thy word. |
| 18 | Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. | Open thou mine eyes, that I may behold wondrous things out of thy law. |
| 19 | Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. | I am a stranger in the earth: hide not thy commandments from me. |
| 20 | Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. | My soul breaketh for the longing that it hath unto thy judgments at all times. |
| 21 | Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. | Thou hast rebuked the proud that are cursed, which do err from thy commandments. |
| 22 | Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. | Remove from me reproach and contempt; for I have kept thy testimonies. |
| 23 | Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. | Princes also did sit and speak against me: but thy servant did meditate in thy statutes. |
| 24 | Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo. | Thy testimonies also are my delight and my counsellors. |
| 25 | Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. | My soul cleaveth unto the dust: quicken thou me according to thy word. |
| 26 | Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. | I have declared my ways, and thou heardest me: teach me thy statutes. |
| 27 | Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. | Make me to understand the way of thy precepts: so shall I talk of thy wondrous works. |
| 28 | Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. | My soul melteth for heaviness: strengthen thou me according unto thy word. |
| 29 | Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. | Remove from me the way of lying: and grant me thy law graciously. |
| 30 | Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. | I have chosen the way of truth: thy judgments have I laid before me. |
| 31 | Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. | I have stuck unto thy testimonies: O Lord, put me not to shame. |
| 32 | Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso. | I will run the way of thy commandments, when thou shalt enlarge my heart. |
| 33 | Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. | Teach me, O Lord, the way of thy statutes; and I shall keep it unto the end. |
| 34 | Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. | Give me understanding, and I shall keep thy law; yea, I shall observe it with my whole heart. |
| 35 | Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. | Make me to go in the path of thy commandments; for therein do I delight. |
| 36 | Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. | Incline my heart unto thy testimonies, and not to covetousness. |
| 37 | Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. | Turn away mine eyes from beholding vanity; and quicken thou me in thy way. |
| 38 | Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. | Stablish thy word unto thy servant, who is devoted to thy fear. |
| 39 | Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. | Turn away my reproach which I fear: for thy judgments are good. |
| 40 | Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran. | Behold, I have longed after thy precepts: quicken me in thy righteousness. |
| 41 | Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. | Let thy mercies come also unto me, O Lord, even thy salvation, according to thy word. |
| 42 | Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. | So shall I have wherewith to answer him that reproacheth me: for I trust in thy word. |
| 43 | At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. | And take not the word of truth utterly out of my mouth; for I have hoped in thy judgments. |
| 44 | Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. | So shall I keep thy law continually for ever and ever. |
| 45 | At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. | And I will walk at liberty: for I seek thy precepts. |
| 46 | Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. | I will speak of thy testimonies also before kings, and will not be ashamed. |
| 47 | At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. | And I will delight myself in thy commandments, which I have loved. |
| 48 | Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. | My hands also will I lift up unto thy commandments, which I have loved; and I will meditate in thy statutes. |
| 49 | Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako. | Remember the word unto thy servant, upon which thou hast caused me to hope. |
| 50 | Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita. | This is my comfort in my affliction: for thy word hath quickened me. |
| 51 | Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan. | The proud have had me greatly in derision: yet have I not declined from thy law. |
| 52 | Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili. | I remembered thy judgments of old, O Lord; and have comforted myself. |
| 53 | Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan. | Horror hath taken hold upon me because of the wicked that forsake thy law. |
| 54 | Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan. | Thy statutes have been my songs in the house of my pilgrimage. |
| 55 | Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan. | I have remembered thy name, O Lord, in the night, and have kept thy law. |
| 56 | Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. | This I had, because I kept thy precepts. |
| 57 | Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. | Thou art my portion, O Lord: I have said that I would keep thy words. |
| 58 | Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. | I intreated thy favour with my whole heart: be merciful unto me according to thy word. |
| 59 | Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. | I thought on my ways, and turned my feet unto thy testimonies. |
| 60 | Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos. | I made haste, and delayed not to keep thy commandments. |
| 61 | Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan. | The bands of the wicked have robbed me: but I have not forgotten thy law. |
| 62 | Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan. | At midnight I will rise to give thanks unto thee because of thy righteous judgments. |
| 63 | Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin. | I am a companion of all them that fear thee, and of them that keep thy precepts. |
| 64 | Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. | The earth, O Lord, is full of thy mercy: teach me thy statutes. |
| 65 | Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. | Thou hast dealt well with thy servant, O Lord, according unto thy word. |
| 66 | Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos. | Teach me good judgment and knowledge: for I have believed thy commandments. |
| 67 | Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita. | Before I was afflicted I went astray: but now have I kept thy word. |
| 68 | Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. | Thou art good, and doest good; teach me thy statutes. |
| 69 | Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko. | The proud have forged a lie against me: but I will keep thy precepts with my whole heart. |
| 70 | Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan. | Their heart is as fat as grease; but I delight in thy law. |
| 71 | Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo. | It is good for me that I have been afflicted; that I might learn thy statutes. |
| 72 | Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak. | The law of thy mouth is better unto me than thousands of gold and silver. |
| 73 | Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos. | Thy hands have made me and fashioned me: give me understanding, that I may learn thy commandments. |
| 74 | Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita; | They that fear thee will be glad when they see me; because I have hoped in thy word. |
| 75 | Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati. | I know, O Lord, that thy judgments are right, and that thou in faithfulness hast afflicted me. |
| 76 | Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod. | Let, I pray thee, thy merciful kindness be for my comfort, according to thy word unto thy servant. |
| 77 | Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan. | Let thy tender mercies come unto me, that I may live: for thy law is my delight. |
| 78 | Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin. | Let the proud be ashamed; for they dealt perversely with me without a cause: but I will meditate in thy precepts. |
| 79 | Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo. | Let those that fear thee turn unto me, and those that have known thy testimonies. |
| 80 | Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya. | Let my heart be sound in thy statutes; that I be not ashamed. |
| 81 | Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita. | My soul fainteth for thy salvation: but I hope in thy word. |
| 82 | Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin? | Mine eyes fail for thy word, saying, When wilt thou comfort me? |
| 83 | Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan. | For I am become like a bottle in the smoke; yet do I not forget thy statutes. |
| 84 | Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin? | How many are the days of thy servant? when wilt thou execute judgment on them that persecute me? |
| 85 | Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan. | The proud have digged pits for me, which are not after thy law. |
| 86 | Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako. | All thy commandments are faithful: they persecute me wrongfully; help thou me. |
| 87 | Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo. | They had almost consumed me upon earth; but I forsook not thy precepts. |
| 88 | Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig. | Quicken me after thy lovingkindness; so shall I keep the testimony of thy mouth. |
| 89 | Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit. | For ever, O Lord, thy word is settled in heaven. |
| 90 | Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi. | Thy faithfulness is unto all generations: thou hast established the earth, and it abideth. |
| 91 | Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo. | They continue this day according to thine ordinances: for all are thy servants. |
| 92 | Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian. | Unless thy law had been my delights, I should then have perished in mine affliction. |
| 93 | Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako. | I will never forget thy precepts: for with them thou hast quickened me. |
| 94 | Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo, | I am thine, save me; for I have sought thy precepts. |
| 95 | Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo. | The wicked have waited for me to destroy me: but I will consider thy testimonies. |
| 96 | Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak. | I have seen an end of all perfection: but thy commandment is exceeding broad. |
| 97 | Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. | O how love I thy law! it is my meditation all the day. |
| 98 | Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. | Thou through thy commandments hast made me wiser than mine enemies: for they are ever with me. |
| 99 | Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko. | I have more understanding than all my teachers: for thy testimonies are my meditation. |
| 100 | Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. | I understand more than the ancients, because I keep thy precepts. |
| 101 | Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo. | I have refrained my feet from every evil way, that I might keep thy word. |
| 102 | Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako. | I have not departed from thy judgments: for thou hast taught me. |
| 103 | Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! | How sweet are thy words unto my taste! yea, sweeter than honey to my mouth! |
| 104 | Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling. | Through thy precepts I get understanding: therefore I hate every false way. |
| 105 | Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. | Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path. |
| 106 | Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. | I have sworn, and I will perform it, that I will keep thy righteous judgments. |
| 107 | Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. | I am afflicted very much: quicken me, O Lord, according unto thy word. |
| 108 | Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. | Accept, I beseech thee, the freewill offerings of my mouth, O Lord, and teach me thy judgments. |
| 109 | Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. | My soul is continually in my hand: yet do I not forget thy law. |
| 110 | Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. | The wicked have laid a snare for me: yet I erred not from thy precepts. |
| 111 | Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso. | Thy testimonies have I taken as an heritage for ever: for they are the rejoicing of my heart. |
| 112 | Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas. | I have inclined mine heart to perform thy statutes alway, even unto the end. |
| 113 | Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko. | I hate vain thoughts: but thy law do I love. |
| 114 | Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita. | Thou art my hiding place and my shield: I hope in thy word. |
| 115 | Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios. | Depart from me, ye evildoers: for I will keep the commandments of my God. |
| 116 | Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa. | Uphold me according unto thy word, that I may live: and let me not be ashamed of my hope. |
| 117 | Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan. | Hold thou me up, and I shall be safe: and I will have respect unto thy statutes continually. |
| 118 | Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan. | Thou hast trodden down all them that err from thy statutes: for their deceit is falsehood. |
| 119 | Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo. | Thou puttest away all the wicked of the earth like dross: therefore I love thy testimonies. |
| 120 | Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan. | My flesh trembleth for fear of thee; and I am afraid of thy judgments. |
| 121 | Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin. | I have done judgment and justice: leave me not to mine oppressors. |
| 122 | Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo. | Be surety for thy servant for good: let not the proud oppress me. |
| 123 | Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita. | Mine eyes fail for thy salvation, and for the word of thy righteousness. |
| 124 | Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. | Deal with thy servant according unto thy mercy, and teach me thy statutes. |
| 125 | Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo, | I am thy servant; give me understanding, that I may know thy testimonies. |
| 126 | Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo. | It is time for thee, Lord, to work: for they have made void thy law. |
| 127 | Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto. | Therefore I love thy commandments above gold; yea, above fine gold. |
| 128 | Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad. | Therefore I esteem all thy precepts concerning all things to be right; and I hate every false way. |
| 129 | Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. | Thy testimonies are wonderful: therefore doth my soul keep them. |
| 130 | Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang. | The entrance of thy words giveth light; it giveth understanding unto the simple. |
| 131 | Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo. | I opened my mouth, and panted: for I longed for thy commandments. |
| 132 | Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan. | Look thou upon me, and be merciful unto me, as thou usest to do unto those that love thy name. |
| 133 | Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan. | Order my steps in thy word: and let not any iniquity have dominion over me. |
| 134 | Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo. | Deliver me from the oppression of man: so will I keep thy precepts. |
| 135 | Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. | Make thy face to shine upon thy servant; and teach me thy statutes. |
| 136 | Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo. | Rivers of waters run down mine eyes, because they keep not thy law. |
| 137 | Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. | Righteous art thou, O Lord, and upright are thy judgments. |
| 138 | Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. | Thy testimonies that thou hast commanded are righteous and very faithful. |
| 139 | Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. | My zeal hath consumed me, because mine enemies have forgotten thy words. |
| 140 | Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. | Thy word is very pure: therefore thy servant loveth it. |
| 141 | Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. | I am small and despised: yet do not I forget thy precepts. |
| 142 | Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. | Thy righteousness is an everlasting righteousness, and thy law is the truth. |
| 143 | Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. | Trouble and anguish have taken hold on me: yet thy commandments are my delights. |
| 144 | Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako. | The righteousness of thy testimonies is everlasting: give me understanding, and I shall live. |
| 145 | Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. | I cried with my whole heart; hear me, O Lord: I will keep thy statutes. |
| 146 | Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo. | I cried unto thee; save me, and I shall keep thy testimonies. |
| 147 | Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita. | I prevented the dawning of the morning, and cried: I hoped in thy word. |
| 148 | Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo. | Mine eyes prevent the night watches, that I might meditate in thy word. |
| 149 | Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan. | Hear my voice according unto thy lovingkindness: O Lord, quicken me according to thy judgment. |
| 150 | Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan. | They draw nigh that follow after mischief: they are far from thy law. |
| 151 | Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan. | Thou art near, O Lord; and all thy commandments are truth. |
| 152 | Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man. | Concerning thy testimonies, I have known of old that thou hast founded them for ever. |
| 153 | Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. | Consider mine affliction, and deliver me: for I do not forget thy law. |
| 154 | Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. | Plead my cause, and deliver me: quicken me according to thy word. |
| 155 | Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo. | Salvation is far from the wicked: for they seek not thy statutes. |
| 156 | Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan. | Great are thy tender mercies, O Lord: quicken me according to thy judgments. |
| 157 | Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo. | Many are my persecutors and mine enemies; yet do I not decline from thy testimonies. |
| 158 | Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo. | I beheld the transgressors, and was grieved; because they kept not thy word. |
| 159 | Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob. | Consider how I love thy precepts: quicken me, O Lord, according to thy lovingkindness. |
| 160 | Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. | Thy word is true from the beginning: and every one of thy righteous judgments endureth for ever. |
| 161 | Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita. | Princes have persecuted me without a cause: but my heart standeth in awe of thy word. |
| 162 | Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam. | I rejoice at thy word, as one that findeth great spoil. |
| 163 | Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. | I hate and abhor lying: but thy law do I love. |
| 164 | Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan. | Seven times a day do I praise thee because of thy righteous judgments. |
| 165 | Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod. | Great peace have they which love thy law: and nothing shall offend them. |
| 166 | Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo. | Lord, I have hoped for thy salvation, and done thy commandments. |
| 167 | Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam, | My soul hath kept thy testimonies; and I love them exceedingly. |
| 168 | Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo. | I have kept thy precepts and thy testimonies: for all my ways are before thee. |
| 169 | Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. | Let my cry come near before thee, O Lord: give me understanding according to thy word. |
| 170 | Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita. | Let my supplication come before thee: deliver me according to thy word. |
| 171 | Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. | My lips shall utter praise, when thou hast taught me thy statutes. |
| 172 | Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. | My tongue shall speak of thy word: for all thy commandments are righteousness. |
| 173 | Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. | Let thine hand help me; for I have chosen thy precepts. |
| 174 | Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. | I have longed for thy salvation, O Lord; and thy law is my delight. |
| 175 | Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. | Let my soul live, and it shall praise thee; and let thy judgments help me. |
| 176 | Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos. | I have gone astray like a lost sheep; seek thy servant; for I do not forget thy commandments. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL