시편 116편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 19절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling. | I love the Lord, because he hath heard my voice and my supplications. |
| 2 | Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay. | Because he hath inclined his ear unto me, therefore will I call upon him as long as I live. |
| 3 | Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. | The sorrows of death compassed me, and the pains of hell gat hold upon me: I found trouble and sorrow. |
| 4 | Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa. | Then called I upon the name of the Lord; O Lord, I beseech thee, deliver my soul. |
| 5 | Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain. | Gracious is the Lord, and righteous; yea, our God is merciful. |
| 6 | Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako. | The Lord preserveth the simple: I was brought low, and he helped me. |
| 7 | Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon. | Return unto thy rest, O my soul; for the Lord hath dealt bountifully with thee. |
| 8 | Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal. | For thou hast delivered my soul from death, mine eyes from tears, and my feet from falling. |
| 9 | Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay. | I will walk before the Lord in the land of the living. |
| 10 | Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati: | I believed, therefore have I spoken: I was greatly afflicted: |
| 11 | Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan. | I said in my haste, All men are liars. |
| 12 | Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin? | What shall I render unto the Lord for all his benefits toward me? |
| 13 | Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. | I will take the cup of salvation, and call upon the name of the Lord. |
| 14 | Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan. | I will pay my vows unto the Lord now in the presence of all his people. |
| 15 | Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal. | Precious in the sight of the Lord is the death of his saints. |
| 16 | Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali. | O Lord, truly I am thy servant; I am thy servant, and the son of thine handmaid: thou hast loosed my bonds. |
| 17 | Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. | I will offer to thee the sacrifice of thanksgiving, and will call upon the name of the Lord. |
| 18 | Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan; | I will pay my vows unto the Lord now in the presence of all his people, |
| 19 | Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon. | In the courts of the Lord’s house, in the midst of thee, O Jerusalem. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL