시편 115편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 18절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan. | Not unto us, O Lord, not unto us, but unto thy name give glory, for thy mercy, and for thy truth’s sake. |
| 2 | Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios? | Wherefore should the heathen say, Where is now their God? |
| 3 | Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. | But our God is in the heavens: he hath done whatsoever he hath pleased. |
| 4 | Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. | Their idols are silver and gold, the work of men’s hands. |
| 5 | Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; | They have mouths, but they speak not: eyes have they, but they see not: |
| 6 | Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy; | They have ears, but they hear not: noses have they, but they smell not: |
| 7 | Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala. | They have hands, but they handle not: feet have they, but they walk not: neither speak they through their throat. |
| 8 | Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila. | They that make them are like unto them; so is every one that trusteth in them. |
| 9 | Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. | O Israel, trust thou in the Lord: he is their help and their shield. |
| 10 | Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. | O house of Aaron, trust in the Lord: he is their help and their shield. |
| 11 | Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. | Ye that fear the Lord, trust in the Lord: he is their help and their shield. |
| 12 | Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron. | The Lord hath been mindful of us: he will bless us; he will bless the house of Israel; he will bless the house of Aaron. |
| 13 | Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas. | He will bless them that fear the Lord, both small and great. |
| 14 | Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak. | The Lord shall increase you more and more, you and your children. |
| 15 | Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. | Ye are blessed of the Lord which made heaven and earth. |
| 16 | Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao. | The heaven, even the heavens, are the Lord’s: but the earth hath he given to the children of men. |
| 17 | Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan; | The dead praise not the Lord, neither any that go down into silence. |
| 18 | Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon. | But we will bless the Lord from this time forth and for evermore. Praise the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL