로그인

시편 11편 Ang Dating Biblia (1905)

Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 7절

  1. 1 Sa Panginoon ay nanganganlong ako: ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa, tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
  2. 2 Sapagka't, narito, binalantok ng masama ang busog, kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
  3. 3 Kung ang mga patibayan ay masira, anong magagawa ng matuwid?
  4. 4 Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
  5. 5 Sinusubok ng Panginoon ang matuwid; nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
  6. 6 Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.
  7. 7 Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran: Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.

Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗