시편 107편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 43절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | O give thanks unto the Lord, for he is good: for his mercy endureth for ever. |
| 2 | Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway; | Let the redeemed of the Lord say so, whom he hath redeemed from the hand of the enemy; |
| 3 | At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan. | And gathered them out of the lands, from the east, and from the west, from the north, and from the south. |
| 4 | Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. | They wandered in the wilderness in a solitary way; they found no city to dwell in. |
| 5 | Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. | Hungry and thirsty, their soul fainted in them. |
| 6 | Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. | Then they cried unto the Lord in their trouble, and he delivered them out of their distresses. |
| 7 | Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. | And he led them forth by the right way, that they might go to a city of habitation. |
| 8 | Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! | Oh that men would praise the Lord for his goodness, and for his wonderful works to the children of men! |
| 9 | Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan. | For he satisfieth the longing soul, and filleth the hungry soul with goodness. |
| 10 | Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw; | Such as sit in darkness and in the shadow of death, being bound in affliction and iron; |
| 11 | Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan: | Because they rebelled against the words of God, and contemned the counsel of the most High: |
| 12 | Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. | Therefore he brought down their heart with labour; they fell down, and there was none to help. |
| 13 | Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. | Then they cried unto the Lord in their trouble, and he saved them out of their distresses. |
| 14 | Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. | He brought them out of darkness and the shadow of death, and brake their bands in sunder. |
| 15 | Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! | Oh that men would praise the Lord for his goodness, and for his wonderful works to the children of men! |
| 16 | Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal. | For he hath broken the gates of brass, and cut the bars of iron in sunder. |
| 17 | Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati. | Fools because of their transgression, and because of their iniquities, are afflicted. |
| 18 | Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan, | Their soul abhorreth all manner of meat; and they draw near unto the gates of death. |
| 19 | Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. | Then they cry unto the Lord in their trouble, and he saveth them out of their distresses. |
| 20 | Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak. | He sent his word, and healed them, and delivered them from their destructions. |
| 21 | Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! | Oh that men would praise the Lord for his goodness, and for his wonderful works to the children of men! |
| 22 | At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan. | And let them sacrifice the sacrifices of thanksgiving, and declare his works with rejoicing. |
| 23 | Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig; | They that go down to the sea in ships, that do business in great waters; |
| 24 | Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman. | These see the works of the Lord, and his wonders in the deep. |
| 25 | Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon. | For he commandeth, and raiseth the stormy wind, which lifteth up the waves thereof. |
| 26 | Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan. | They mount up to the heaven, they go down again to the depths: their soul is melted because of trouble. |
| 27 | Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala. | They reel to and fro, and stagger like a drunken man, and are at their wits’ end. |
| 28 | Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan. | Then they cry unto the Lord in their trouble, and he bringeth them out of their distresses. |
| 29 | Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik. | He maketh the storm a calm, so that the waves thereof are still. |
| 30 | Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin. | Then are they glad because they be quiet; so he bringeth them unto their desired haven. |
| 31 | Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! | Oh that men would praise the Lord for his goodness, and for his wonderful works to the children of men! |
| 32 | Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda. | Let them exalt him also in the congregation of the people, and praise him in the assembly of the elders. |
| 33 | Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal: | He turneth rivers into a wilderness, and the watersprings into dry ground; |
| 34 | Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon. | A fruitful land into barrenness, for the wickedness of them that dwell therein. |
| 35 | Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain. | He turneth the wilderness into a standing water, and dry ground into watersprings. |
| 36 | At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan; | And there he maketh the hungry to dwell, that they may prepare a city for habitation; |
| 37 | At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang. | And sow the fields, and plant vineyards, which may yield fruits of increase. |
| 38 | Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang. | He blesseth them also, so that they are multiplied greatly; and suffereth not their cattle to decrease. |
| 39 | Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan. | Again, they are minished and brought low through oppression, affliction, and sorrow. |
| 40 | Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan. | He poureth contempt upon princes, and causeth them to wander in the wilderness, where there is no way. |
| 41 | Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan. | Yet setteth he the poor on high from affliction, and maketh him families like a flock. |
| 42 | Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig. | The righteous shall see it, and rejoice: and all iniquity shall stop her mouth. |
| 43 | Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon. | Whoso is wise, and will observe these things, even they shall understand the lovingkindness of the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL