시편 106편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 48절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | Praise ye the Lord. O give thanks unto the Lord; for he is good: for his mercy endureth for ever. |
| 2 | Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? | Who can utter the mighty acts of the Lord? who can shew forth all his praise? |
| 3 | Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. | Blessed are they that keep judgment, and he that doeth righteousness at all times. |
| 4 | Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: | Remember me, O Lord, with the favour that thou bearest unto thy people: O visit me with thy salvation; |
| 5 | Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana. | That I may see the good of thy chosen, that I may rejoice in the gladness of thy nation, that I may glory with thine inheritance. |
| 6 | Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama. | We have sinned with our fathers, we have committed iniquity, we have done wickedly. |
| 7 | Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula. | Our fathers understood not thy wonders in Egypt; they remembered not the multitude of thy mercies; but provoked him at the sea, even at the Red sea. |
| 8 | Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan. | Nevertheless he saved them for his name’s sake, that he might make his mighty power to be known. |
| 9 | Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang. | He rebuked the Red sea also, and it was dried up: so he led them through the depths, as through the wilderness. |
| 10 | At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway. | And he saved them from the hand of him that hated them, and redeemed them from the hand of the enemy. |
| 11 | At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa. | And the waters covered their enemies: there was not one of them left. |
| 12 | Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan. | Then believed they his words; they sang his praise. |
| 13 | Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo: | They soon forgat his works; they waited not for his counsel: |
| 14 | Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang. | But lusted exceedingly in the wilderness, and tempted God in the desert. |
| 15 | At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa. | And he gave them their request; but sent leanness into their soul. |
| 16 | Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon. | They envied Moses also in the camp, and Aaron the saint of the Lord. |
| 17 | Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram. | The earth opened and swallowed up Dathan, and covered the company of Abiram. |
| 18 | At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama, | And a fire was kindled in their company; the flame burned up the wicked. |
| 19 | Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo. | They made a calf in Horeb, and worshipped the molten image. |
| 20 | Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo. | Thus they changed their glory into the similitude of an ox that eateth grass. |
| 21 | Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto; | They forgat God their saviour, which had done great things in Egypt; |
| 22 | Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula. | Wondrous works in the land of Ham, and terrible things by the Red sea. |
| 23 | Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila. | Therefore he said that he would destroy them, had not Moses his chosen stood before him in the breach, to turn away his wrath, lest he should destroy them. |
| 24 | Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita; | Yea, they despised the pleasant land, they believed not his word: |
| 25 | Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon. | But murmured in their tents, and hearkened not unto the voice of the Lord. |
| 26 | Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang: | Therefore he lifted up his hand against them, to overthrow them in the wilderness: |
| 27 | At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain. | To overthrow their seed also among the nations, and to scatter them in the lands. |
| 28 | Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay. | They joined themselves also unto Baal–peor, and ate the sacrifices of the dead. |
| 29 | Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila. | Thus they provoked him to anger with their inventions: and the plague brake in upon them. |
| 30 | Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot. | Then stood up Phinehas, and executed judgment: and so the plague was stayed. |
| 31 | At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man. | And that was counted unto him for righteousness unto all generations for evermore. |
| 32 | Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila: | They angered him also at the waters of strife, so that it went ill with Moses for their sakes: |
| 33 | Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi. | Because they provoked his spirit, so that he spake unadvisedly with his lips. |
| 34 | Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila; | They did not destroy the nations, concerning whom the Lord commanded them: |
| 35 | Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa: | But were mingled among the heathen, and learned their works. |
| 36 | At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila: | And they served their idols: which were a snare unto them. |
| 37 | Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio, | Yea, they sacrificed their sons and their daughters unto devils, |
| 38 | At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo. | And shed innocent blood, even the blood of their sons and of their daughters, whom they sacrificed unto the idols of Canaan: and the land was polluted with blood. |
| 39 | Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa. | Thus were they defiled with their own works, and went a whoring with their own inventions. |
| 40 | Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana. | Therefore was the wrath of the Lord kindled against his people, insomuch that he abhorred his own inheritance. |
| 41 | At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila. | And he gave them into the hand of the heathen; and they that hated them ruled over them. |
| 42 | Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay. | Their enemies also oppressed them, and they were brought into subjection under their hand. |
| 43 | Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan. | Many times did he deliver them; but they provoked him with their counsel, and were brought low for their iniquity. |
| 44 | Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing: | Nevertheless he regarded their affliction, when he heard their cry: |
| 45 | At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob. | And he remembered for them his covenant, and repented according to the multitude of his mercies. |
| 46 | Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila. | He made them also to be pitied of all those that carried them captives. |
| 47 | Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan. | Save us, O Lord our God, and gather us from among the heathen, to give thanks unto thy holy name, and to triumph in thy praise. |
| 48 | Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon. | Blessed be the Lord God of Israel from everlasting to everlasting: and let all the people say, Amen. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL