히브리서 3장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 히브리서 (Hebrews) · 19절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus; | Wherefore, holy brethren, partakers of the heavenly calling, consider the Apostle and High Priest of our profession, Christ Jesus; |
| 2 | Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya. | Who was faithful to him that appointed him, as also Moses was faithful in all his house. |
| 3 | Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay. | For this man was counted worthy of more glory than Moses, inasmuch as he who hath builded the house hath more honour than the house. |
| 4 | Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. | For every house is builded by some man; but he that built all things is God. |
| 5 | At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos; | And Moses verily was faithful in all his house, as a servant, for a testimony of those things which were to be spoken after; |
| 6 | Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. | But Christ as a son over his own house; whose house are we, if we hold fast the confidence and the rejoicing of the hope firm unto the end. |
| 7 | Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, | Wherefore (as the Holy Ghost saith, To day if ye will hear his voice, |
| 8 | Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang, | Harden not your hearts, as in the provocation, in the day of temptation in the wilderness: |
| 9 | Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa. | When your fathers tempted me, proved me, and saw my works forty years. |
| 10 | Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan; | Wherefore I was grieved with that generation, and said, They do alway err in their heart; and they have not known my ways. |
| 11 | Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. | So I sware in my wrath, They shall not enter into my rest.) |
| 12 | Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay: | Take heed, brethren, lest there be in any of you an evil heart of unbelief, in departing from the living God. |
| 13 | Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan: | But exhort one another daily, while it is called To day; lest any of you be hardened through the deceitfulness of sin. |
| 14 | Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan: | For we are made partakers of Christ, if we hold the beginning of our confidence stedfast unto the end; |
| 15 | Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi. | While it is said, To day if ye will hear his voice, harden not your hearts, as in the provocation. |
| 16 | Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises? | For some, when they had heard, did provoke: howbeit not all that came out of Egypt by Moses. |
| 17 | At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang? | But with whom was he grieved forty years? was it not with them that had sinned, whose carcases fell in the wilderness? |
| 18 | At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? | And to whom sware he that they should not enter into his rest, but to them that believed not? |
| 19 | At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya. | So we see that they could not enter in because of unbelief. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL