전도서 3장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 전도서 (Ecclesiastes) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: | To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven: |
| 2 | Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; | A time to be born, and a time to die; a time to plant, and a time to pluck up that which is planted; |
| 3 | Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; | A time to kill, and a time to heal; a time to break down, and a time to build up; |
| 4 | Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; | A time to weep, and a time to laugh; a time to mourn, and a time to dance; |
| 5 | Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; | A time to cast away stones, and a time to gather stones together; a time to embrace, and a time to refrain from embracing; |
| 6 | Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; | A time to get, and a time to lose; a time to keep, and a time to cast away; |
| 7 | Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; | A time to rend, and a time to sew; a time to keep silence, and a time to speak; |
| 8 | Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan. | A time to love, and a time to hate; a time of war, and a time of peace. |
| 9 | Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan? | What profit hath he that worketh in that wherein he laboureth? |
| 10 | Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan. | I have seen the travail, which God hath given to the sons of men to be exercised in it. |
| 11 | Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas. | He hath made every thing beautiful in his time: also he hath set the world in their heart, so that no man can find out the work that God maketh from the beginning to the end. |
| 12 | Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay. | I know that there is no good in them, but for a man to rejoice, and to do good in his life. |
| 13 | At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, siyang kaloob ng Dios. | And also that every man should eat and drink, and enjoy the good of all his labour, it is the gift of God. |
| 14 | Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya. | I know that, whatsoever God doeth, it shall be for ever: nothing can be put to it, nor any thing taken from it: and God doeth it, that men should fear before him. |
| 15 | Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na. | That which hath been is now; and that which is to be hath already been; and God requireth that which is past. |
| 16 | At bukod dito'y aking nakita sa ilalim ng araw, sa dako ng kahatulan, na nandoon ang kasamaan; at sa dako ng katuwiran, na nandoon ang kasamaan. | And moreover I saw under the sun the place of judgment, that wickedness was there; and the place of righteousness, that iniquity was there. |
| 17 | Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa. | I said in mine heart, God shall judge the righteous and the wicked: for there is a time there for every purpose and for every work. |
| 18 | Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang. | I said in mine heart concerning the estate of the sons of men, that God might manifest them, and that they might see that they themselves are beasts. |
| 19 | Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan. | For that which befalleth the sons of men befalleth beasts; even one thing befalleth them: as the one dieth, so dieth the other; yea, they have all one breath; so that a man hath no preeminence above a beast: for all is vanity. |
| 20 | Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli. | All go unto one place; all are of the dust, and all turn to dust again. |
| 21 | Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa? | Who knoweth the spirit of man that goeth upward, and the spirit of the beast that goeth downward to the earth? |
| 22 | Kaya't aking nakita, na walang bagay na maigi, kundi ang tao ay magalak sa kaniyang mga gawa; sapagka't siyang kaniyang bahagi: sapagka't sinong magbabalik sa kaniya upang makita ang mangyayari pagkamatay niya? | Wherefore I perceive that there is nothing better, than that a man should rejoice in his own works; for that is his portion: for who shall bring him to see what shall be after him? |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL