잠언 31장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang mga salita ng haring Lemuel; ang sanggunian na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina. | The words of king Lemuel, the prophecy that his mother taught him. |
| 2 | Ano anak ko? at ano, Oh anak ng aking bahay-bata? At ano, Oh anak ng aking mga panata? | What, my son? and what, the son of my womb? and what, the son of my vows? |
| 3 | Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae, o ang iyo mang mga lakad sa lumilipol ng mga hari. | Give not thy strength unto women, nor thy ways to that which destroyeth kings. |
| 4 | Hindi sa mga hari, Oh Lemuel, hindi sa mga hari ang paginom ng alak; ni sa mga pangulo man, na magsabi, saan nandoon ang matapang na alak? | It is not for kings, O Lemuel, it is not for kings to drink wine; nor for princes strong drink: |
| 5 | Baka sila'y uminom, at makalimotan ang kautusan, at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati. | Lest they drink, and forget the law, and pervert the judgment of any of the afflicted. |
| 6 | Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw, at ng alak ang mapanglaw na loob. | Give strong drink unto him that is ready to perish, and wine unto those that be of heavy hearts. |
| 7 | Uminom siya at limutin niya ang kaniyang kahirapan, at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang karalitaan. | Let him drink, and forget his poverty, and remember his misery no more. |
| 8 | Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi, sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili. | Open thy mouth for the dumb in the cause of all such as are appointed to destruction. |
| 9 | Bukhin mo ang iyong bibig, humatol ka ng katuwiran, at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan. | Open thy mouth, judge righteously, and plead the cause of the poor and needy. |
| 10 | Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. | Who can find a virtuous woman? for her price is far above rubies. |
| 11 | Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. | The heart of her husband doth safely trust in her, so that he shall have no need of spoil. |
| 12 | Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. | She will do him good and not evil all the days of her life. |
| 13 | Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. | She seeketh wool, and flax, and worketh willingly with her hands. |
| 14 | Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. | She is like the merchants’ ships; she bringeth her food from afar. |
| 15 | Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. | She riseth also while it is yet night, and giveth meat to her household, and a portion to her maidens. |
| 16 | Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. | She considereth a field, and buyeth it: with the fruit of her hands she planteth a vineyard. |
| 17 | Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig. | She girdeth her loins with strength, and strengtheneth her arms. |
| 18 | Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi. | She perceiveth that her merchandise is good: her candle goeth not out by night. |
| 19 | Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. | She layeth her hands to the spindle, and her hands hold the distaff. |
| 20 | Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan. | She stretcheth out her hand to the poor; yea, she reacheth forth her hands to the needy. |
| 21 | Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe; sapagka't ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula. | She is not afraid of the snow for her household: for all her household are clothed with scarlet. |
| 22 | Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube. | She maketh herself coverings of tapestry; her clothing is silk and purple. |
| 23 | Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan, pagka siya'y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain. | Her husband is known in the gates, when he sitteth among the elders of the land. |
| 24 | Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal. | She maketh fine linen, and selleth it; and delivereth girdles unto the merchant. |
| 25 | Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinatawanan ang panahong darating. | Strength and honour are her clothing; and she shall rejoice in time to come. |
| 26 | Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila. | She openeth her mouth with wisdom; and in her tongue is the law of kindness. |
| 27 | Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran. | She looketh well to the ways of her household, and eateth not the bread of idleness. |
| 28 | Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi: | Her children arise up, and call her blessed; her husband also, and he praiseth her. |
| 29 | Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat. | Many daughters have done virtuously, but thou excellest them all. |
| 30 | Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin. | Favour is deceitful, and beauty is vain: but a woman that feareth the Lord, she shall be praised. |
| 31 | Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay; at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-bayan. | Give her of the fruit of her hands; and let her own works praise her in the gates. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL