잠언 29장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 27절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan. | He, that being often reproved hardeneth his neck, shall suddenly be destroyed, and that without remedy. |
| 2 | Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. | When the righteous are in authority, the people rejoice: but when the wicked beareth rule, the people mourn. |
| 3 | Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. | Whoso loveth wisdom rejoiceth his father: but he that keepeth company with harlots spendeth his substance. |
| 4 | Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba. | The king by judgment establisheth the land: but he that receiveth gifts overthroweth it. |
| 5 | Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang. | A man that flattereth his neighbour spreadeth a net for his feet. |
| 6 | Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak. | In the transgression of an evil man there is a snare: but the righteous doth sing and rejoice. |
| 7 | Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam. | The righteous considereth the cause of the poor: but the wicked regardeth not to know it. |
| 8 | Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot. | Scornful men bring a city into a snare: but wise men turn away wrath. |
| 9 | Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan. | If a wise man contendeth with a foolish man, whether he rage or laugh, there is no rest. |
| 10 | Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay. | The bloodthirsty hate the upright: but the just seek his soul. |
| 11 | Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay. | A fool uttereth all his mind: but a wise man keepeth it in till afterwards. |
| 12 | Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama. | If a ruler hearken to lies, all his servants are wicked. |
| 13 | Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa. | The poor and the deceitful man meet together: the Lord lighteneth both their eyes. |
| 14 | Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. | The king that faithfully judgeth the poor, his throne shall be established for ever. |
| 15 | Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. | The rod and reproof give wisdom: but a child left to himself bringeth his mother to shame. |
| 16 | Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. | When the wicked are multiplied, transgression increaseth: but the righteous shall see their fall. |
| 17 | Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. | Correct thy son, and he shall give thee rest; yea, he shall give delight unto thy soul. |
| 18 | Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. | Where there is no vision, the people perish: but he that keepeth the law, happy is he. |
| 19 | Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig. | A servant will not be corrected by words: for though he understand he will not answer. |
| 20 | Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya. | Seest thou a man that is hasty in his words? there is more hope of a fool than of him. |
| 21 | Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan. | He that delicately bringeth up his servant from a child shall have him become his son at the length. |
| 22 | Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang. | An angry man stirreth up strife, and a furious man aboundeth in transgression. |
| 23 | Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan. | A man’s pride shall bring him low: but honour shall uphold the humble in spirit. |
| 24 | Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik. | Whoso is partner with a thief hateth his own soul: he heareth cursing, and bewrayeth it not. |
| 25 | Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. | The fear of man bringeth a snare: but whoso putteth his trust in the Lord shall be safe. |
| 26 | Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. | Many seek the ruler’s favour; but every man’s judgment cometh from the Lord. |
| 27 | Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama. | An unjust man is an abomination to the just: and he that is upright in the way is abomination to the wicked. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL