잠언 14장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay. | Every wise woman buildeth her house: but the foolish plucketh it down with her hands. |
| 2 | Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya. | He that walketh in his uprightness feareth the Lord: but he that is perverse in his ways despiseth him. |
| 3 | Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon. | In the mouth of the foolish is a rod of pride: but the lips of the wise shall preserve them. |
| 4 | Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka. | Where no oxen are, the crib is clean: but much increase is by the strength of the ox. |
| 5 | Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan. | A faithful witness will not lie: but a false witness will utter lies. |
| 6 | Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa. | A scorner seeketh wisdom, and findeth it not: but knowledge is easy unto him that understandeth. |
| 7 | Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman: | Go from the presence of a foolish man, when thou perceivest not in him the lips of knowledge. |
| 8 | Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan. | The wisdom of the prudent is to understand his way: but the folly of fools is deceit. |
| 9 | Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban. | Fools make a mock at sin: but among the righteous there is favour. |
| 10 | Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan. | The heart knoweth his own bitterness; and a stranger doth not intermeddle with his joy. |
| 11 | Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad. | The house of the wicked shall be overthrown: but the tabernacle of the upright shall flourish. |
| 12 | May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. | There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of death. |
| 13 | Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob. | Even in laughter the heart is sorrowful; and the end of that mirth is heaviness. |
| 14 | Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti. | The backslider in heart shall be filled with his own ways: and a good man shall be satisfied from himself. |
| 15 | Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad. | The simple believeth every word: but the prudent man looketh well to his going. |
| 16 | Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa. | A wise man feareth, and departeth from evil: but the fool rageth, and is confident. |
| 17 | Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim. | He that is soon angry dealeth foolishly: and a man of wicked devices is hated. |
| 18 | Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan: nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman. | The simple inherit folly: but the prudent are crowned with knowledge. |
| 19 | Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid. | The evil bow before the good; and the wicked at the gates of the righteous. |
| 20 | Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan. | The poor is hated even of his own neighbour: but the rich hath many friends. |
| 21 | Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya. | He that despiseth his neighbour sinneth: but he that hath mercy on the poor, happy is he. |
| 22 | Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti. | Do they not err that devise evil? but mercy and truth shall be to them that devise good. |
| 23 | Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan. | In all labour there is profit: but the talk of the lips tendeth only to penury. |
| 24 | Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang. | The crown of the wise is their riches: but the foolishness of fools is folly. |
| 25 | Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya. | A true witness delivereth souls: but a deceitful witness speaketh lies. |
| 26 | Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. | In the fear of the Lord is strong confidence: and his children shall have a place of refuge. |
| 27 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan. | The fear of the Lord is a fountain of life, to depart from the snares of death. |
| 28 | Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo. | In the multitude of people is the king’s honour: but in the want of people is the destruction of the prince. |
| 29 | Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. | He that is slow to wrath is of great understanding: but he that is hasty of spirit exalteth folly. |
| 30 | Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. | A sound heart is the life of the flesh: but envy the rottenness of the bones. |
| 31 | Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya. | He that oppresseth the poor reproacheth his Maker: but he that honoureth him hath mercy on the poor. |
| 32 | Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan. | The wicked is driven away in his wickedness: but the righteous hath hope in his death. |
| 33 | Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman. | Wisdom resteth in the heart of him that hath understanding: but that which is in the midst of fools is made known. |
| 34 | Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan. | Righteousness exalteth a nation: but sin is a reproach to any people. |
| 35 | Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya. | The king’s favour is toward a wise servant: but his wrath is against him that causeth shame. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL