요한복음 10장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 요한복음 (John) · 42절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw. | Verily, verily, I say unto you, He that entereth not by the door into the sheepfold, but climbeth up some other way, the same is a thief and a robber. |
| 2 | Datapuwa't ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa. | But he that entereth in by the door is the shepherd of the sheep. |
| 3 | Binubuksan siya ng bantaypinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila'y inihahatid sa labas. | To him the porter openeth; and the sheep hear his voice: and he calleth his own sheep by name, and leadeth them out. |
| 4 | Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka't nakikilala nila ang kaniyang tinig. | And when he putteth forth his own sheep, he goeth before them, and the sheep follow him: for they know his voice. |
| 5 | At sa iba'y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba. | And a stranger will they not follow, but will flee from him: for they know not the voice of strangers. |
| 6 | Sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito: datapuwa't hindi nila napagunawa kung anong mga bagay ang sa kanila'y sinasalita. | This parable spake Jesus unto them: but they understood not what things they were which he spake unto them. |
| 7 | Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa. | Then said Jesus unto them again, Verily, verily, I say unto you, I am the door of the sheep. |
| 8 | Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa't hindi sila dininig ng mga tupa. | All that ever came before me are thieves and robbers: but the sheep did not hear them. |
| 9 | Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan. | I am the door: by me if any man enter in, he shall be saved, and shall go in and out, and find pasture. |
| 10 | Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito. | The thief cometh not, but for to steal, and to kill, and to destroy: I am come that they might have life, and that they might have it more abundantly. |
| 11 | Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa. | I am the good shepherd: the good shepherd giveth his life for the sheep. |
| 12 | Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat: | But he that is an hireling, and not the shepherd, whose own the sheep are not, seeth the wolf coming, and leaveth the sheep, and fleeth: and the wolf catcheth them, and scattereth the sheep. |
| 13 | Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa. | The hireling fleeth, because he is an hireling, and careth not for the sheep. |
| 14 | Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako, | I am the good shepherd, and know my sheep, and am known of mine. |
| 15 | Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa. | As the Father knoweth me, even so know I the Father: and I lay down my life for the sheep. |
| 16 | At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. | And other sheep I have, which are not of this fold: them also I must bring, and they shall hear my voice; and there shall be one fold, and one shepherd. |
| 17 | Dahil dito'y sinisinta ako ng Ama, sapagka't ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli. | Therefore doth my Father love me, because I lay down my life, that I might take it again. |
| 18 | Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama. | No man taketh it from me, but I lay it down of myself. I have power to lay it down, and I have power to take it again. This commandment have I received of my Father. |
| 19 | At muling nagkaroon ng isang pagbabahabahagi sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito. | There was a division therefore again among the Jews for these sayings. |
| 20 | At sinasabi ng marami sa kanila, Mayroon siyang demonio, at siya'y nauulol; bakit ninyo siya pinakikinggan? | And many of them said, He hath a devil, and is mad; why hear ye him? |
| 21 | Sinasabi ng mga iba, Hindi sa inaalihan ng demonio ang mga sabing ito. Maaari bagang ang demonio ay makapagpadilat ng mga mata ng bulag? | Others said, These are not the words of him that hath a devil. Can a devil open the eyes of the blind? |
| 22 | At niyao'y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem: | And it was at Jerusalem the feast of the dedication, and it was winter. |
| 23 | Noo'y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Salomon. | And Jesus walked in the temple in Solomon’s porch. |
| 24 | Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin. | Then came the Jews round about him, and said unto him, How long dost thou make us to doubt? If thou be the Christ, tell us plainly. |
| 25 | Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin. | Jesus answered them, I told you, and ye believed not: the works that I do in my Father’s name, they bear witness of me. |
| 26 | Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa. | But ye believe not, because ye are not of my sheep, as I said unto you. |
| 27 | Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: | My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me: |
| 28 | At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. | And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand. |
| 29 | Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. | My Father, which gave them me, is greater than all; and no man is able to pluck them out of my Father’s hand. |
| 30 | Ako at ang Ama ay iisa. | I and my Father are one. |
| 31 | Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. | Then the Jews took up stones again to stone him. |
| 32 | Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? | Jesus answered them, Many good works have I shewed you from my Father; for which of those works do ye stone me? |
| 33 | Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. | The Jews answered him, saying, For a good work we stone thee not; but for blasphemy; and because that thou, being a man, makest thyself God. |
| 34 | Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? | Jesus answered them, Is it not written in your law, I said, Ye are gods? |
| 35 | Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), | If he called them gods, unto whom the word of God came, and the scripture cannot be broken; |
| 36 | Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? | Say ye of him, whom the Father hath sanctified, and sent into the world, Thou blasphemest; because I said, I am the Son of God? |
| 37 | Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. | If I do not the works of my Father, believe me not. |
| 38 | Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama. | But if I do, though ye believe not me, believe the works: that ye may know, and believe, that the Father is in me, and I in him. |
| 39 | Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay. | Therefore they sought again to take him: but he escaped out of their hand, |
| 40 | At siya'y muling naparoon sa dako pa roon ng Jordan sa dako nang una'y pinagbautismuhan ni Juan; at siya'y tumira doon. | And went away again beyond Jordan into the place where John at first baptized; and there he abode. |
| 41 | At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda: nguni't lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo. | And many resorted unto him, and said, John did no miracle: but all things that John spake of this man were true. |
| 42 | At marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya roon. | And many believed on him there. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL