시편 80편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 19절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka. | Give ear, O Shepherd of Israel, thou that leadest Joseph like a flock; thou that dwellest between the cherubims, shine forth. |
| 2 | Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami. | Before Ephraim and Benjamin and Manasseh stir up thy strength, and come and save us. |
| 3 | Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami. | Turn us again, O God, and cause thy face to shine; and we shall be saved. |
| 4 | Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan? | O Lord God of hosts, how long wilt thou be angry against the prayer of thy people? |
| 5 | Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana. | Thou feedest them with the bread of tears; and givest them tears to drink in great measure. |
| 6 | Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan. | Thou makest us a strife unto our neighbours: and our enemies laugh among themselves. |
| 7 | Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas. | Turn us again, O God of hosts, and cause thy face to shine; and we shall be saved. |
| 8 | Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon. | Thou hast brought a vine out of Egypt: thou hast cast out the heathen, and planted it. |
| 9 | Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain. | Thou preparedst room before it, and didst cause it to take deep root, and it filled the land. |
| 10 | Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios. | The hills were covered with the shadow of it, and the boughs thereof were like the goodly cedars. |
| 11 | Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog. | She sent out her boughs unto the sea, and her branches unto the river. |
| 12 | Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan? | Why hast thou then broken down her hedges, so that all they which pass by the way do pluck her? |
| 13 | Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang. | The boar out of the wood doth waste it, and the wild beast of the field doth devour it. |
| 14 | Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito, | Return, we beseech thee, O God of hosts: look down from heaven, and behold, and visit this vine; |
| 15 | At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili. | And the vineyard which thy right hand hath planted, and the branch that thou madest strong for thyself. |
| 16 | Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha. | It is burned with fire, it is cut down: they perish at the rebuke of thy countenance. |
| 17 | Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili. | Let thy hand be upon the man of thy right hand, upon the son of man whom thou madest strong for thyself. |
| 18 | Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan. | So will not we go back from thee: quicken us, and we will call upon thy name. |
| 19 | Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami. | Turn us again, O Lord God of hosts, cause thy face to shine; and we shall be saved. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL