시편 69편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 36절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. | Save me, O God; for the waters are come in unto my soul. |
| 2 | Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. | I sink in deep mire, where there is no standing: I am come into deep waters, where the floods overflow me. |
| 3 | Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios. | I am weary of my crying: my throat is dried: mine eyes fail while I wait for my God. |
| 4 | Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha. | They that hate me without a cause are more than the hairs of mine head: they that would destroy me, being mine enemies wrongfully, are mighty: then I restored that which I took not away. |
| 5 | Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo. | O God, thou knowest my foolishness; and my sins are not hid from thee. |
| 6 | Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel. | Let not them that wait on thee, O Lord God of hosts, be ashamed for my sake: let not those that seek thee be confounded for my sake, O God of Israel. |
| 7 | Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha. | Because for thy sake I have borne reproach; shame hath covered my face. |
| 8 | Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina. | I am become a stranger unto my brethren, and an alien unto my mother’s children. |
| 9 | Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. | For the zeal of thine house hath eaten me up; and the reproaches of them that reproached thee are fallen upon me. |
| 10 | Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin. | When I wept, and chastened my soul with fasting, that was to my reproach. |
| 11 | Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. | I made sackcloth also my garment; and I became a proverb to them. |
| 12 | Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango. | They that sit in the gate speak against me; and I was the song of the drunkards. |
| 13 | Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, | But as for me, my prayer is unto thee, O Lord, in an acceptable time: O God, in the multitude of thy mercy hear me, in the truth of thy salvation. |
| 14 | Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig. | Deliver me out of the mire, and let me not sink: let me be delivered from them that hate me, and out of the deep waters. |
| 15 | Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin. | Let not the waterflood overflow me, neither let the deep swallow me up, and let not the pit shut her mouth upon me. |
| 16 | Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin. | Hear me, O Lord; for thy lovingkindness is good: turn unto me according to the multitude of thy tender mercies. |
| 17 | At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali. | And hide not thy face from thy servant; for I am in trouble: hear me speedily. |
| 18 | Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway. | Draw nigh unto my soul, and redeem it: deliver me because of mine enemies. |
| 19 | Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo. | Thou hast known my reproach, and my shame, and my dishonour: mine adversaries are all before thee. |
| 20 | Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan. | Reproach hath broken my heart; and I am full of heaviness: and I looked for some to take pity, but there was none; and for comforters, but I found none. |
| 21 | Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom. | They gave me also gall for my meat; and in my thirst they gave me vinegar to drink. |
| 22 | Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan. | Let their table become a snare before them: and that which should have been for their welfare, let it become a trap. |
| 23 | Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang. | Let their eyes be darkened, that they see not; and make their loins continually to shake. |
| 24 | Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit. | Pour out thine indignation upon them, and let thy wrathful anger take hold of them. |
| 25 | Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda. | Let their habitation be desolate; and let none dwell in their tents. |
| 26 | Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan. | For they persecute him whom thou hast smitten; and they talk to the grief of those whom thou hast wounded. |
| 27 | At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran. | Add iniquity unto their iniquity: and let them not come into thy righteousness. |
| 28 | Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid. | Let them be blotted out of the book of the living, and not be written with the righteous. |
| 29 | Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako. | But I am poor and sorrowful: let thy salvation, O God, set me up on high. |
| 30 | Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat. | I will praise the name of God with a song, and will magnify him with thanksgiving. |
| 31 | At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa. | This also shall please the Lord better than an ox or bullock that hath horns and hoofs. |
| 32 | Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios. | The humble shall see this, and be glad: and your heart shall live that seek God. |
| 33 | Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo. | For the Lord heareth the poor, and despiseth not his prisoners. |
| 34 | Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon. | Let the heaven and earth praise him, the seas, and every thing that moveth therein. |
| 35 | Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari. | For God will save Zion, and will build the cities of Judah: that they may dwell there, and have it in possession. |
| 36 | Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon. | The seed also of his servants shall inherit it: and they that love his name shall dwell therein. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL