시편 66편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 20절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. | Make a joyful noise unto God, all ye lands: |
| 2 | Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. | Sing forth the honour of his name: make his praise glorious. |
| 3 | Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. | Say unto God, How terrible art thou in thy works! through the greatness of thy power shall thine enemies submit themselves unto thee. |
| 4 | Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah) | All the earth shall worship thee, and shall sing unto thee; they shall sing to thy name. Selah. |
| 5 | Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao. | Come and see the works of God: he is terrible in his doing toward the children of men. |
| 6 | Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya. | He turned the sea into dry land: they went through the flood on foot: there did we rejoice in him. |
| 7 | Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah) | He ruleth by his power for ever; his eyes behold the nations: let not the rebellious exalt themselves. Selah. |
| 8 | Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan: | O bless our God, ye people, and make the voice of his praise to be heard: |
| 9 | Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa. | Which holdeth our soul in life, and suffereth not our feet to be moved. |
| 10 | Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak. | For thou, O God, hast proved us: thou hast tried us, as silver is tried. |
| 11 | Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang. | Thou broughtest us into the net; thou laidst affliction upon our loins. |
| 12 | Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako. | Thou hast caused men to ride over our heads; we went through fire and through water: but thou broughtest us out into a wealthy place. |
| 13 | Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko, | I will go into thy house with burnt offerings: I will pay thee my vows, |
| 14 | Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian. | Which my lips have uttered, and my mouth hath spoken, when I was in trouble. |
| 15 | Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah) | I will offer unto thee burnt sacrifices of fatlings, with the incense of rams; I will offer bullocks with goats. Selah. |
| 16 | Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa. | Come and hear, all ye that fear God, and I will declare what he hath done for my soul. |
| 17 | Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila. | I cried unto him with my mouth, and he was extolled with my tongue. |
| 18 | Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon: | If I regard iniquity in my heart, the Lord will not hear me: |
| 19 | Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin. | But verily God hath heard me; he hath attended to the voice of my prayer. |
| 20 | Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin. | Blessed be God, which hath not turned away my prayer, nor his mercy from me. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL