로그인

시편 61편 Ang Dating Biblia (1905)

Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 8절 · 대역: King James Version

절Ang Dating Biblia (1905)King James Version
1 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin. Hear my cry, O God; attend unto my prayer.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin. From the end of the earth will I cry unto thee, when my heart is overwhelmed: lead me to the rock that is higher than I.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway. For thou hast been a shelter for me, and a strong tower from the enemy.
4 Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah) I will abide in thy tabernacle for ever: I will trust in the covert of thy wings. Selah.
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan. For thou, O God, hast heard my vows: thou hast given me the heritage of those that fear thy name.
6 Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon. Thou wilt prolong the king’s life: and his years as many generations.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya. He shall abide before God for ever: O prepare mercy and truth, which may preserve him.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata. So will I sing praise unto thy name for ever, that I may daily perform my vows.

Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL