시편 58편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 11절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao? | Do ye indeed speak righteousness, O congregation? do ye judge uprightly, O ye sons of men? |
| 2 | Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa. | Yea, in heart ye work wickedness; ye weigh the violence of your hands in the earth. |
| 3 | Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan. | The wicked are estranged from the womb: they go astray as soon as they be born, speaking lies. |
| 4 | Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig; | Their poison is like the poison of a serpent: they are like the deaf adder that stoppeth her ear; |
| 5 | At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan. | Which will not hearken to the voice of charmers, charming never so wisely. |
| 6 | Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon. | Break their teeth, O God, in their mouth: break out the great teeth of the young lions, O Lord. |
| 7 | Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray. | Let them melt away as waters which run continually: when he bendeth his bow to shoot his arrows, let them be as cut in pieces. |
| 8 | Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw. | As a snail which melteth, let every one of them pass away: like the untimely birth of a woman, that they may not see the sun. |
| 9 | Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas. | Before your pots can feel the thorns, he shall take them away as with a whirlwind, both living, and in his wrath. |
| 10 | Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama. | The righteous shall rejoice when he seeth the vengeance: he shall wash his feet in the blood of the wicked. |
| 11 | Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa. | So that a man shall say, Verily there is a reward for the righteous: verily he is a God that judgeth in the earth. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL