시편 54편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 7절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan. | Save me, O God, by thy name, and judge me by thy strength. |
| 2 | Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig. | Hear my prayer, O God; give ear to the words of my mouth. |
| 3 | Sapagka't ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa: hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah) | For strangers are risen up against me, and oppressors seek after my soul: they have not set God before them. Selah. |
| 4 | Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa. | Behold, God is mine helper: the Lord is with them that uphold my soul. |
| 5 | Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway: gibain mo sila sa iyong katotohanan. | He shall reward evil unto mine enemies: cut them off in thy truth. |
| 6 | Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti. | I will freely sacrifice unto thee: I will praise thy name, O Lord; for it is good. |
| 7 | Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway. | For he hath delivered me out of all trouble: and mine eye hath seen his desire upon mine enemies. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL