시편 145편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 21절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. | I will extol thee, my God, O king; and I will bless thy name for ever and ever. |
| 2 | Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. | Every day will I bless thee; and I will praise thy name for ever and ever. |
| 3 | Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod. | Great is the Lord, and greatly to be praised; and his greatness is unsearchable. |
| 4 | Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa. At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa. | One generation shall praise thy works to another, and shall declare thy mighty acts. |
| 5 | Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako. | I will speak of the glorious honour of thy majesty, and of thy wondrous works. |
| 6 | At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa; at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan. | And men shall speak of the might of thy terrible acts: and I will declare thy greatness. |
| 7 | Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan, at aawitin nila ang iyong katuwiran. | They shall abundantly utter the memory of thy great goodness, and shall sing of thy righteousness. |
| 8 | Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob. | The Lord is gracious, and full of compassion; slow to anger, and of great mercy. |
| 9 | Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa. | The Lord is good to all: and his tender mercies are over all his works. |
| 10 | Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal. | All thy works shall praise thee, O Lord; and thy saints shall bless thee. |
| 11 | Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan; | They shall speak of the glory of thy kingdom, and talk of thy power; |
| 12 | Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian. | To make known to the sons of men his mighty acts, and the glorious majesty of his kingdom. |
| 13 | Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi. | Thy kingdom is an everlasting kingdom, and thy dominion endureth throughout all generations. |
| 14 | Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob. | The Lord upholdeth all that fall, and raiseth up all those that be bowed down. |
| 15 | Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. | The eyes of all wait upon thee; and thou givest them their meat in due season. |
| 16 | Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay. | Thou openest thine hand, and satisfiest the desire of every living thing. |
| 17 | Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa. | The Lord is righteous in all his ways, and holy in all his works. |
| 18 | Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan. | The Lord is nigh unto all them that call upon him, to all that call upon him in truth. |
| 19 | Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila. | He will fulfil the desire of them that fear him: he also will hear their cry, and will save them. |
| 20 | Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. | The Lord preserveth all them that love him: but all the wicked will he destroy. |
| 21 | Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man. | My mouth shall speak the praise of the Lord: and let all flesh bless his holy name for ever and ever. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL