시편 140편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 13절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao: | Deliver me, O Lord, from the evil man: preserve me from the violent man; |
| 2 | Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan sila sa pagdidigma. | Which imagine mischiefs in their heart; continually are they gathered together for war. |
| 3 | Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah) | They have sharpened their tongues like a serpent; adders’ poison is under their lips. Selah. |
| 4 | Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang. | Keep me, O Lord, from the hands of the wicked; preserve me from the violent man; who have purposed to overthrow my goings. |
| 5 | Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah) | The proud have hid a snare for me, and cords; they have spread a net by the wayside; they have set gins for me. Selah. |
| 6 | Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon. | I said unto the Lord, Thou art my God: hear the voice of my supplications, O Lord. |
| 7 | Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka. | O God the Lord, the strength of my salvation, thou hast covered my head in the day of battle. |
| 8 | Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah) | Grant not, O Lord, the desires of the wicked: further not his wicked device; lest they exalt themselves. Selah. |
| 9 | Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi. | As for the head of those that compass me about, let the mischief of their own lips cover them. |
| 10 | Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli. | Let burning coals fall upon them: let them be cast into the fire; into deep pits, that they rise not up again. |
| 11 | Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya. | Let not an evil speaker be established in the earth: evil shall hunt the violent man to overthrow him. |
| 12 | Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan. | I know that the Lord will maintain the cause of the afflicted, and the right of the poor. |
| 13 | Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan. | Surely the righteous shall give thanks unto thy name: the upright shall dwell in thy presence. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL