시편 135편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 21절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon; purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon: | Praise ye the Lord. Praise ye the name of the Lord; praise him, O ye servants of the Lord. |
| 2 | Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon. Sa mga looban ng bahay ng ating Dios. | Ye that stand in the house of the Lord, in the courts of the house of our God, |
| 3 | Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; sapagka't maligaya. | Praise the Lord; for the Lord is good: sing praises unto his name; for it is pleasant. |
| 4 | Sapagka't pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob, at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan. | For the Lord hath chosen Jacob unto himself, and Israel for his peculiar treasure. |
| 5 | Sapagka't nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila, at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios. | For I know that the Lord is great, and that our Lord is above all gods. |
| 6 | Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa, sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman. | Whatsoever the Lord pleased, that did he in heaven, and in earth, in the seas, and all deep places. |
| 7 | Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa; kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan; kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman. | He causeth the vapours to ascend from the ends of the earth; he maketh lightnings for the rain; he bringeth the wind out of his treasuries. |
| 8 | Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto, sa tao at gayon din sa hayop. | Who smote the firstborn of Egypt, both of man and beast. |
| 9 | Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto, kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod. | Who sent tokens and wonders into the midst of thee, O Egypt, upon Pharaoh, and upon all his servants. |
| 10 | Na siyang sumakit sa maraming bansa, at pumatay sa mga makapangyarihang hari; | Who smote great nations, and slew mighty kings; |
| 11 | Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, at kay Og na hari sa Basan, at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan: | Sihon king of the Amorites, and Og king of Bashan, and all the kingdoms of Canaan: |
| 12 | At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana, isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan. | And gave their land for an heritage, an heritage unto Israel his people. |
| 13 | Ang iyong pangalan, Oh Panginoon, ay magpakailan man; ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi. | Thy name, O Lord, endureth for ever; and thy memorial, O Lord, throughout all generations. |
| 14 | Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, at magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod. | For the Lord will judge his people, and he will repent himself concerning his servants. |
| 15 | Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto, na gawa ng mga kamay ng mga tao. | The idols of the heathen are silver and gold, the work of men’s hands. |
| 16 | Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita; mga mata ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; | They have mouths, but they speak not; eyes have they, but they see not; |
| 17 | Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig. | They have ears, but they hear not; neither is there any breath in their mouths. |
| 18 | Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila. | They that make them are like unto them: so is every one that trusteth in them. |
| 19 | Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon: Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon: | Bless the Lord, O house of Israel: bless the Lord, O house of Aaron: |
| 20 | Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon: ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon. | Bless the Lord, O house of Levi: ye that fear the Lord, bless the Lord. |
| 21 | Purihin ang Panginoon mula sa Sion, na siyang tumatahan sa Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon. | Blessed be the Lord out of Zion, which dwelleth at Jerusalem. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL