시편 109편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Huwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan; | Hold not thy peace, O God of my praise; |
| 2 | Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin: sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila. | For the mouth of the wicked and the mouth of the deceitful are opened against me: they have spoken against me with a lying tongue. |
| 3 | Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim, at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan. | They compassed me about also with words of hatred; and fought against me without a cause. |
| 4 | Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila: nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin. | For my love they are my adversaries: but I give myself unto prayer. |
| 5 | At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko. | And they have rewarded me evil for good, and hatred for my love. |
| 6 | Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan. | Set thou a wicked man over him: and let Satan stand at his right hand. |
| 7 | Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin. | When he shall be judged, let him be condemned: and let his prayer become sin. |
| 8 | Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan. | Let his days be few; and let another take his office. |
| 9 | Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa. | Let his children be fatherless, and his wife a widow. |
| 10 | Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho. | Let his children be continually vagabonds, and beg: let them seek their bread also out of their desolate places. |
| 11 | Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa. | Let the extortioner catch all that he hath; and let the strangers spoil his labour. |
| 12 | Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila. | Let there be none to extend mercy unto him: neither let there be any to favour his fatherless children. |
| 13 | Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan. | Let his posterity be cut off; and in the generation following let their name be blotted out. |
| 14 | Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina, | Let the iniquity of his fathers be remembered with the Lord; and let not the sin of his mother be blotted out. |
| 15 | Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa. | Let them be before the Lord continually, that he may cut off the memory of them from the earth. |
| 16 | Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin. | Because that he remembered not to shew mercy, but persecuted the poor and needy man, that he might even slay the broken in heart. |
| 17 | Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya. | As he loved cursing, so let it come unto him: as he delighted not in blessing, so let it be far from him. |
| 18 | Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto. | As he clothed himself with cursing like as with his garment, so let it come into his bowels like water, and like oil into his bones. |
| 19 | Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi. | Let it be unto him as the garment which covereth him, and for a girdle wherewith he is girded continually. |
| 20 | Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa. | Let this be the reward of mine adversaries from the Lord, and of them that speak evil against my soul. |
| 21 | Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, | But do thou for me, O God the Lord, for thy name’s sake: because thy mercy is good, deliver thou me. |
| 22 | Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. | For I am poor and needy, and my heart is wounded within me. |
| 23 | Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. | I am gone like the shadow when it declineth: I am tossed up and down as the locust. |
| 24 | Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. | My knees are weak through fasting; and my flesh faileth of fatness. |
| 25 | Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. | I became also a reproach unto them: when they looked upon me they shaked their heads. |
| 26 | Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob: | Help me, O Lord my God: O save me according to thy mercy: |
| 27 | Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; na ikaw, Panginoon, ang may gawa. | That they may know that this is thy hand; that thou, Lord, hast done it. |
| 28 | Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak. | Let them curse, but bless thou: when they arise, let them be ashamed; but let thy servant rejoice. |
| 29 | Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal. | Let mine adversaries be clothed with shame, and let them cover themselves with their own confusion, as with a mantle. |
| 30 | Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan. | I will greatly praise the Lord with my mouth; yea, I will praise him among the multitude. |
| 31 | Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa. | For he shall stand at the right hand of the poor, to save him from those that condemn his soul. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL