디모데전서 2장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 디모데전서 (1 Timothy) · 15절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; | I exhort therefore, that, first of all, supplications, prayers, intercessions, and giving of thanks, be made for all men; |
| 2 | Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan. | For kings, and for all that are in authority; that we may lead a quiet and peaceable life in all godliness and honesty. |
| 3 | Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; | For this is good and acceptable in the sight of God our Saviour; |
| 4 | Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. | Who will have all men to be saved, and to come unto the knowledge of the truth. |
| 5 | Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, | For there is one God, and one mediator between God and men, the man Christ Jesus; |
| 6 | Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; | Who gave himself a ransom for all, to be testified in due time. |
| 7 | Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan. | Whereunto I am ordained a preacher, and an apostle, (I speak the truth in Christ, and lie not;) a teacher of the Gentiles in faith and verity. |
| 8 | Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. | I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting. |
| 9 | Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga; | In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array; |
| 10 | Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa. | But (which becometh women professing godliness) with good works. |
| 11 | Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop. | Let the woman learn in silence with all subjection. |
| 12 | Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. | But I suffer not a woman to teach, nor to usurp authority over the man, but to be in silence. |
| 13 | Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva; | For Adam was first formed, then Eve. |
| 14 | At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang; | And Adam was not deceived, but the woman being deceived was in the transgression. |
| 15 | Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon. | Notwithstanding she shall be saved in childbearing, if they continue in faith and charity and holiness with sobriety. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL