데살로니가전서 5장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 데살로니가전서 (1 Thessalonians) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman. | But of the times and the seasons, brethren, ye have no need that I write unto you. |
| 2 | Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. | For yourselves know perfectly that the day of the Lord so cometh as a thief in the night. |
| 3 | Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan. | For when they shall say, Peace and safety; then sudden destruction cometh upon them, as travail upon a woman with child; and they shall not escape. |
| 4 | Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: | But ye, brethren, are not in darkness, that that day should overtake you as a thief. |
| 5 | Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; | Ye are all the children of light, and the children of the day: we are not of the night, nor of darkness. |
| 6 | Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil. | Therefore let us not sleep, as do others; but let us watch and be sober. |
| 7 | Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi. | For they that sleep sleep in the night; and they that be drunken are drunken in the night. |
| 8 | Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan. | But let us, who are of the day, be sober, putting on the breastplate of faith and love; and for an helmet, the hope of salvation. |
| 9 | Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, | For God hath not appointed us to wrath, but to obtain salvation by our Lord Jesus Christ, |
| 10 | Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya. | Who died for us, that, whether we wake or sleep, we should live together with him. |
| 11 | Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa. | Wherefore comfort yourselves together, and edify one another, even as also ye do. |
| 12 | Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; | And we beseech you, brethren, to know them which labour among you, and are over you in the Lord, and admonish you; |
| 13 | At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan. | And to esteem them very highly in love for their work’s sake. And be at peace among yourselves. |
| 14 | At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat. | Now we exhort you, brethren, warn them that are unruly, comfort the feebleminded, support the weak, be patient toward all men. |
| 15 | Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat. | See that none render evil for evil unto any man; but ever follow that which is good, both among yourselves, and to all men. |
| 16 | Mangagalak kayong lagi; | Rejoice evermore. |
| 17 | Magsipanalangin kayong walang patid; | Pray without ceasing. |
| 18 | Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. | In every thing give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you. |
| 19 | Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu; | Quench not the Spirit. |
| 20 | Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula; | Despise not prophesyings. |
| 21 | Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti; | Prove all things; hold fast that which is good. |
| 22 | Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. | Abstain from all appearance of evil. |
| 23 | At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo. | And the very God of peace sanctify you wholly; and I pray God your whole spirit and soul and body be preserved blameless unto the coming of our Lord Jesus Christ. |
| 24 | Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito. | Faithful is he that calleth you, who also will do it. |
| 25 | Mga kapatid, idalangin ninyo kami. | Brethren, pray for us. |
| 26 | Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik. | Greet all the brethren with an holy kiss. |
| 27 | Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito. | I charge you by the Lord that this epistle be read unto all the holy brethren. |
| 28 | Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. | The grace of our Lord Jesus Christ be with you. Amen. The first epistle unto the Thessalonians was written from Athens. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL