고린도전서 16장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 고린도전서 (1 Corinthians) · 24절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia. | Now concerning the collection for the saints, as I have given order to the churches of Galatia, even so do ye. |
| 2 | Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko. | Upon the first day of the week let every one of you lay by him in store, as God hath prospered him, that there be no gatherings when I come. |
| 3 | At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem: | And when I come, whomsoever ye shall approve by your letters, them will I send to bring your liberality unto Jerusalem. |
| 4 | At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko. | And if it be meet that I go also, they shall go with me. |
| 5 | Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia; | Now I will come unto you, when I shall pass through Macedonia: for I do pass through Macedonia. |
| 6 | Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon. | And it may be that I will abide, yea, and winter with you, that ye may bring me on my journey whithersoever I go. |
| 7 | Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon. | For I will not see you now by the way; but I trust to tarry a while with you, if the Lord permit. |
| 8 | Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes; | But I will tarry at Ephesus until Pentecost. |
| 9 | Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway. | For a great door and effectual is opened unto me, and there are many adversaries. |
| 10 | Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman: | Now if Timotheus come, see that he may be with you without fear: for he worketh the work of the Lord, as I also do. |
| 11 | Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid. | Let no man therefore despise him: but conduct him forth in peace, that he may come unto me: for I look for him with the brethren. |
| 12 | Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon. | As touching our brother Apollos, I greatly desired him to come unto you with the brethren: but his will was not at all to come at this time; but he will come when he shall have convenient time. |
| 13 | Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas. | Watch ye, stand fast in the faith, quit you like men, be strong. |
| 14 | Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa. | Let all your things be done with charity. |
| 15 | Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal), | I beseech you, brethren, (ye know the house of Stephanas, that it is the firstfruits of Achaia, and that they have addicted themselves to the ministry of the saints,) |
| 16 | Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal. | That ye submit yourselves unto such, and to every one that helpeth with us, and laboureth. |
| 17 | At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila. | I am glad of the coming of Stephanas and Fortunatus and Achaicus: for that which was lacking on your part they have supplied. |
| 18 | Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon. | For they have refreshed my spirit and yours: therefore acknowledge ye them that are such. |
| 19 | Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay. | The churches of Asia salute you. Aquila and Priscilla salute you much in the Lord, with the church that is in their house. |
| 20 | Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal. | All the brethren greet you. Greet ye one another with an holy kiss. |
| 21 | Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay. | The salutation of me Paul with mine own hand. |
| 22 | Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha. | If any man love not the Lord Jesus Christ, let him be Anathema Maran-atha. |
| 23 | Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. | The grace of our Lord Jesus Christ be with you. |
| 24 | Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa. | My love be with you all in Christ Jesus. Amen. The first epistle to the Corinthians was written from Philippi by Stephanas, and Fortunatus, and Achaicus, and Timotheus. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL