고린도전서 12장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 고린도전서 (1 Corinthians) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. | Now concerning spiritual gifts, brethren, I would not have you ignorant. |
| 2 | Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo. | Ye know that ye were Gentiles, carried away unto these dumb idols, even as ye were led. |
| 3 | Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. | Wherefore I give you to understand, that no man speaking by the Spirit of God calleth Jesus accursed: and that no man can say that Jesus is the Lord, but by the Holy Ghost. |
| 4 | Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. | Now there are diversities of gifts, but the same Spirit. |
| 5 | At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. | And there are differences of administrations, but the same Lord. |
| 6 | At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. | And there are diversities of operations, but it is the same God which worketh all in all. |
| 7 | Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. | But the manifestation of the Spirit is given to every man to profit withal. |
| 8 | Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu: | For to one is given by the Spirit the word of wisdom; to another the word of knowledge by the same Spirit; |
| 9 | Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. | To another faith by the same Spirit; to another the gifts of healing by the same Spirit; |
| 10 | At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika. | To another the working of miracles; to another prophecy; to another discerning of spirits; to another divers kinds of tongues; to another the interpretation of tongues: |
| 11 | Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig. | But all these worketh that one and the selfsame Spirit, dividing to every man severally as he will. |
| 12 | Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. | For as the body is one, and hath many members, and all the members of that one body, being many, are one body: so also is Christ. |
| 13 | Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. | For by one Spirit are we all baptized into one body, whether we be Jews or Gentiles, whether we be bond or free; and have been all made to drink into one Spirit. |
| 14 | Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami. | For the body is not one member, but many. |
| 15 | Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. | If the foot shall say, Because I am not the hand, I am not of the body; is it therefore not of the body? |
| 16 | At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. | And if the ear shall say, Because I am not the eye, I am not of the body; is it therefore not of the body? |
| 17 | Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. | If the whole body were an eye, where were the hearing? If the whole were hearing, where were the smelling? |
| 18 | Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. | But now hath God set the members every one of them in the body, as it hath pleased him. |
| 19 | At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan? | And if they were all one member, where were the body? |
| 20 | Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan. | But now are they many members, yet but one body. |
| 21 | At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan. | And the eye cannot say unto the hand, I have no need of thee: nor again the head to the feet, I have no need of you. |
| 22 | Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina: | Nay, much more those members of the body, which seem to be more feeble, are necessary: |
| 23 | At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan; | And those members of the body, which we think to be less honourable, upon these we bestow more abundant honour; and our uncomely parts have more abundant comeliness. |
| 24 | Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan; | For our comely parts have no need: but God hath tempered the body together, having given more abundant honour to that part which lacked: |
| 25 | Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa. | That there should be no schism in the body; but that the members should have the same care one for another. |
| 26 | At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya. | And whether one member suffer, all the members suffer with it; or one member be honoured, all the members rejoice with it. |
| 27 | Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. | Now ye are the body of Christ, and members in particular. |
| 28 | At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika. | And God hath set some in the church, first apostles, secondarily prophets, thirdly teachers, after that miracles, then gifts of healings, helps, governments, diversities of tongues. |
| 29 | Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala? | Are all apostles? are all prophets? are all teachers? are all workers of miracles? |
| 30 | May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag? | Have all the gifts of healing? do all speak with tongues? do all interpret? |
| 31 | Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan. | But covet earnestly the best gifts: and yet shew I unto you a more excellent way. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL